WanderlAnge
C'est la vie mon ange. 💖🔥
Wednesday, June 22, 2011
crossroad
Few days ago I just passed through another crossroad of my life. 'Di ko akalaing malalagpasan ko 'yun. Akala ko ma-i-stuck na ako sa gitna. Pero, ngayon ba't parang gusto kong bumalik dun at piliin ang isa pang daan? Ewan ko nga ba. Parang mas makakabuti pa para sa lahat kung yung isang daan na lang ang pinili ko. Ngayong nandito na ako bigla akong nag-karoon ng doubt. Ipinangako ko pa man din na kapag nakalagpas ako sa crossroad, I won't ask "why?" Well, technically, I'm not asking why's but I'm really having doubts. Lately napaka-scatter brain ko, absent minded, makanti lang ng konti bumabalik ako sa dati. Para bang binabalewala ko lahat ng effort ko na magbago for the past 4 years. Ay ewan. Sobrang sabog talaga ng utak ko. Gan'to kasi, pangalanan natin ang first option na road A, at ikalawa naman ay road B. Yung road A, tuloy sa pag-usad, yun yung next level para ma-upgrade ako academically. Okay, dederetsuhin ko na, yun ung pagpasok sa bagong academic year. Si road B naman, rest(take note rest, not QUITTING!). I could have a time to do "soul searching"(familiar?). Sa loob ng nakaraang anim na buwan yan ang iniisip ko. Pag si road A ang pinili ko, hindi ako maiiwan, makakasabay ako sa agos, ngunit walang kasiguraduhan kung hanggang saan ako tatangayin ng agos na yaon. 'Pag si road B naman, makakapagpahinga ako, at most 2 orbital rotation ng earth(haha, yoko sabihin ng diretso,pasenxa). Mas malaki ang chance na ma-acheive ko yung long term goal ko na baguhin ang dating ako 'pag Road B ang pinili ko, kaso may maiiwanan ako, at saka masiyadong makasarili. Ngunit eto, ngayong napili ko na si Road A, wala nga akong naiwan, pero sarili ko naman unti-unting nawawala, napeperwisyo yung mga taong inalala kong maiiwan ko,yung mga taong nasa paligid ko. Nagtanong ako sa isang kaibigan, tama lang bang yung Road A ang pinili ko? Tama lang daw, kasi kung 'di ko yun pinili ano lamang ang mangyayari sa mga maiiwan ko. Pero sa mga nangyayari ngayon, ke andun ako o wala walang pinag-iba, kasi andun man ako o wala, ayos lang yung mga taong inalala kong maiiwan ko. Ngayon, gulong-gulo na ang utak ko. I can't make any decision, especially a major decision. Ang pangit mang pakinggan pero, hihintayin ko muna ang mga susunod na mangyayari bago ako gumawa ng isang malaking hakbang. Sa ngayon, kailangan ko munang gampanan ng MAAYOS(problema sa 'kin 'to, haha) ang lahat responsibilidad. Ika nga,ONE STEP AT A TIME.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment