WanderlAnge
C'est la vie mon ange. 💖🔥
Tuesday, October 13, 2015
[Random Thought]...
Hello good morning, how are you? I hope you're doing fine. Do you still remember me? Ako kasi oo. Mala-"I remember the boy, but I don't remember the feeling anymore" ang peg ng stage of life ko ngayon. Yeah, I'm still moving on from the heartbreak. Mahigit apat na taon na din mulang nagsimulang iyakan kita sa kagagahan ko. Eto ako ngayon, sinusubukan, lumalaban mag-isa para sa mga pangarap nating ginawa nung nasa "magulong unawaan"stage pa tayo. What we had was childish, but cute. Natutuwa akong malaman through our common friends that you also liked me, but not the way that I do, and it was also too late. Two years after the first heartache saka ko lang nalaman na gusto mo ako. At naiinis akong di mo man lang pinanindigan yung pangako mong after two years, ikaw ang magiging boss ko. Hindi na ako umaasang tutuparin mo pa ang pangakong yun pero nasa isip ko pa rin palagi ang pangakong yun. Promises are meant to be broken di ba? At mas pinili mong sirain ang pangako mo't iwan akong broken. Dati, gusto kitang sugurin sa probinsiya mo sabay sampal sa yo. Pero what's the point? May mga bagay na dpat i-let go, and I'm choosing now to let you go and move on without you. Hindi na kita kaaawaan, di na kita hahayaan abusuhin mo pa ako ng mga favors mo. Matuto ka nang magkaroon ng sariling bayag at tumayo sa sarili mo. Nagpapaganda na ako, inaayos ang buhay. Para pag nagkita tayo kasama ang true love ko, pagsisihan mong sinaktan mo ako't sinira ang buhay ko. Ay oo nga pala, hindi mo pa alam kung gaano nasira ang buhay ko dahil sa ginawa mo. Oh well papel, malaman mo man o hindi, it won't matter anymore. masaya na ako sa buhay ko, kasi ngayon ko lang na-realize na kaya ko palang maging ganto kalakas, kahit wala ka na sa buhay ko.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment