WanderlAnge

WanderlAnge
C'est la vie mon ange. 💖🔥

Friday, October 16, 2015

[Randon Thought] On Happiness~

Paano nga ba maging tunay na MASAYA?

Maliban sa positibong pananaw, paano nga ba mapapanatiling masaya sa bawat araw, bawat minuto, bawat segundo ng buhay? Ewan ko. Wala naman daw formula yun. Di siya katulad ng Math, magkabisado ka lang ng formula makukuha mo na ang sagot basta alam mo paano dumiskarte. Ang pagiging successful, equated ba sa happiness? Most of them say no, pero may nagsabi rin na if you're happy with what you are doing, you already is considered successful. Subjective kasi ang sukatan ng happiness at successful. Ako, mababaw lang ang source of happiness ko, ang bumiyahe ng 1.5 to 3 hrs papasok sa work, ang sumayaw sa shower sa saliw ng Girls Generation, Lady Gaga o ano pa mang pop music, makakain ng kahit na anong pagkain, sa mga bagay na yun masaya na ako. Pero kahit masaya ako, hindi ako successful. I have no car, no house of my own, but waaaaaait... Di kaya masyado akong nagmamadali? Naman kasi, di ko lang mapigilang i-compare ang sarili ko sa mga ka-batch ko, well although they're 2 to 4 years older than I am, sila kasi yung mga nakasabay ko during my education building. May babies na sila, yung iba may kotse, may bahay, nasa ibang bansa, nag-ma-Masters, at ako? Eto, puchu-puchu lang sa buhay. Naman kasi, ewan ko ba. Naapreciate ko kasi ang simplicity of life at its finest. Kaya hindi ko na masyadong ina-aspire ang mga ganong bagay. Mababaw na akong tao, -_- (Kei fine whatevs). Ang ina-aspire ko na lang ngayon eh yung ma-aksyon na buhay, yung puno ng excitement and adventure. Kelan ko nga kaya matatamo ang pinapangarap kong way of living? Magiging masaya kaya ako sa ganung klase ng buhay?


Always with LOVE,
Anj ^_^
xoxoxo

No comments:

Post a Comment